Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 37



Kabanata 37

Nabigla sila Jon at Rose nang makita nilang sumusuka si Madeline ng dugo, pero kasabay nito ay

natuwa rin sila.

Isinara ng dalawa ang pinto at di pinansin si Madeline. Wala talaga silang pake sa kanya. Mas mabuti

pa kung mamamatay siya.

Bumaluktot si Madeline sa gitna ng mga halaman habang ang kanyang katawan ay balot ng dumi at

tubig ulan. Hinawakan niya ang masakit niyang sikmura at pinanood na dalhin ni Jeremy si Meredith

papasok ng kotse.

Nakikita siya nito mula sa rearview mirror, pero ayaw niya man lang tumingin sa kanya.

Sa kabilang banda, si Meredith ay nakatitig sa kanya. Matagumpay siyang ngumiti nang makita niyang

kasinputla ng bangkay si Madeline at puno ng dugo ang kanyang bibig.

Ibinaba ni Madeline ang kanyang kamay na kawawang humihingi ng tulong nang panoorin niyang

umandar palayo ang kotse.

Lumabo ang paningin niya dahil sa luha at ulan.

Labis siyang nag-aalala sa anak ni Meredith, pero wala siyang pakialam sa bata sa kanyang tiyan.

Binalak pa nitong patayin ang bata sa kanyang tiyan.

Malungkot na humagikhik si Madeline. Tinawanan niya kung gaano kalungkot ang buhay niya.

Kailan pa naging ganito ang buhay niya? Siguro nagsimula ito nung sandaling nahulog ang loob niya

sa lalaking di niya dapat minahal.

Naospital si Madeline sa loob ng ilang araw dahil sa kanyang panloob at panlabas na mga sugat.

Mabuti na lang at maayos ang lagay ng anak niya.

Walang nagtanong tungkol sa kanya nitong mga nakaraang araw. Si Daniel lamang ang tumawag sa

kanya at nagtanong kung anong kalagayan niya. Huminto muna saglit si Madeline bago magpanggap

na parang walang nangyari. Ayaw niyang pag-initan pa ni Jeremy si Daniel.

Nang siya ay makalabas, nanghihinayang na sinabi sa kanya ng doktor. Hindi siya makakapagpalaglag

para maisagawa yung operasyon para maalis ang kanyang tumor sa sitwasyon ngayon.

Nang marinig niya ito, hindi nalungkot si Madeline. Sa halip ay kalmado siyang ngimiti. This text is property of Nô/velD/rama.Org.

Paglabas niya ng ospital, dumapo sa mukha niya ang init ng tag-araw. Hindi siya nakaramdam ng init

ngayon, lalo na ng maisip niya kung paano siya trinato ni Jeremy. Para bang nagkaroon siya ng

malaking lamat sa kanyang puso at walang-humpay itong pinapasok ng malamig na hangin.

Sasakay sana ng bus si Madeline, pero nakita niya ang isang pamilyar na tao sa pinto ng ospital. Nang

tignan niya nang malapitan, nakita niya na ito ay si Eloise at ang kanyang asawa na si Sean.

Kahit na ayaw ni Eloise kay Madeline pagkatapos niya maronig ang sinabi sa kanya ng mahal niyang

anak, sa isang rason, pakiramdam pa rin ni Madeline na mukhang mabait si Eloise.

Nakita niya na nakasimangot si Eloise, mukhang nasasaktan. Pagkatapos narinig niya itong may

sinasabi tungkol sa ospital, sa balat, at sa anak.

Natukoy niya na baka ang anak niyang si Brittany ang sinasabi niya. Dahik dito, hindi na niya binalak

na abalahin pa ito. Tumalikod siya at umalis.

Sa sandaling ito, lumabas si Meredith ng ospital na nagmamaktol. Alam niya na nasa loob ng ospital

na ito si Madeline. Balak niyang pumunta para insultuhin si Madeline noong walang oras si Jeremy

para samahan siya. Subalit, may nagsabi sa kanya na nakaalis na si Madeline bago pa siya

makarating dito.

Nagmura siya sa inis. Tapos tumingala siya at nakita si Eloise at Sean na nakatayo sa may pinto sa

gilid.

Ngumiti nang mahinhin at kaaya-aya si Meredith. Nang lalapit na siya para batiin sila, nakita niya na

malungkot na sumandal si Eloise sa dibdib ni Sean habang sinasabi, "Nasaan kaya ang anak natin?

Ayos lang ba ang lagay niya. Sean, pakiusap wag mong ipaalam kay Brit na di natin siya tunay na

anak."

"Wag kang mag-alala. Ang anak natin ang nag-iisang 24 na taong gulang na babae sa mundong ito na

may paru-parong balat sa kanyang likod. Hahanapin ko siya kahit na kailanganin ko pang baligtarin

ang buong Glendale!"

Nagulantang si Meredith. Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang narinig.

Natuwa siya sa katotohanang di nila tunay na anak si Brittany. Subalit, di niya matanggap ang sinabi ni

Sean.

Malinaw niyang naalala na si Madeline ay may hugis paru-parong balat sa may ibabang bahagi ng

kanyang likod! Atsaka, iisang araw ang kaarawan ni Madeline at Brittany. 24 taong gulang din siya

ngayong taon!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.