Kabanata 2
Kabanata 2
Kabanata 2 Nakatitig si Elliot sa mamahaling chandelier na nakasabit sa kisame – isang titig na sobrang nakakatakot at nakakapanaas balahibo.
Nang sandaling makita ni Cole ang nangyari sa kalagitnaan ng kanyang pagdadrama, bigla siyang namutla at napaatras sa sobrang kaba.
“Avery…ah ang ibig kong sabihin, Auntie Avery… malalim na ang gabi kaya…kaya hindi ko na kayo iistorbohin pa ni Uncle Elliot. Mauuna na ako!”
Nangangatal at ga-butil ang pawis ni Cole habang nagsasalita at walang anu-ano, kumaripas siya ng takbo palabas ng silid.
Maging si Avery ay hindi rin alam kung anong gagawin niya – sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at nanginginig ang kanyang buong katawan sa kaba.
Gi…gising si Elliot? Hindi ba… mamatay na siya?
Gusto sana ni Avery na kausapin si Elliot, pero hindi niya rin alam kung bakit walang boses na lumalabas mula sa lalamunan niya. Gustuhin niya mang lapitan ito para tignan kung totoo ba ang nakikita niya, pero hindi siya makagalaw.
Nangibabaw ang takot kay Avery kaya napakaripas siya ng takbo pababa ng hagdanan.
“Mrs. Cooper! Gising na si Elliot! Dumilat siya!” Sigaw ni Avery.
Nang sandaling marinig ni Mrs. Cooper ang sinabi ni Avery, walang anu-anong kumaripas siya ng takbo paakyat.
“Araw-araw na dumidilat si Master Elliot, MAdam, pero hindi ibig sabihin ‘nun ay gising na siya. Tignan mo, hindi pa rin siya nagrerespond sa kahit anong sabihin natin ngayon.” Magalang na paliwanag ni Mrs. Cooper. Huminga ito ng malalim at nagpatuloy, “Ang sabi ng mga doktor, sobrang liit nalang daw ng tyansa ng mga kagaya ni master na mala-gulay na magising pa.”
Pero sa kabila ng paliwanag ni Mrs. Cooper, nanatili pa rin ang kaba kay Avery kaya aligaga niyang sinabi, “Pwede bang matulog ako ng nakabukas ang ilaw? Natatakot kasi ako eh.”
“Oo naman,” Nakangiting sagot ni Mrs. Cooper. “Matulog ka rin kaagad. Kailangan mo pang bumisita sa mansyon bukas, gigisingin kita ng maaga.”
“Okay,” Sagot ni Avery.
Pagkalabas ni Mrs. Cooper, nagpalit lang si Avery sa kanyang pajamas at dumiretso na rin siya kaagad sa kama.
Nakaupo lang siya sa tabi ni Elliot habang tinitigan ang napaka gwapo nitong mukha. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang itinapat ang kamay niya at kumaway sa mata nito.
“Anong iniisip mo, Elliot?” Tanong ni Avery, pero kagaya ng inaasahan, walang sumagot sakanya.
Habang tinitigan ni Avery si Elliot, bigla siyang nakaramdam ng sobrang lungkot. Kumpara sa pinagdadaanan nito, walang-wala yung kanya.
“Sana magising ka na, Elliot kasi kung hindi ka magmamadali, makukuha sayo ni Cole ang lahat ng kayamanan mo. Paano ka matatahimik sa kabilang buhay kapag nangyari yun?”
Pagkatapos magsalita ni Avery, dahan-dahang pumikit si Elliot.
Muli, napatalon si Avery sa gulat nang makita ito at sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso niya.
‘Sa pagkakaalam ko, nakakarinig pa rin naman ang tao kahit na mala-gulay na ito. Ibig sabihin… narinig niya ang sinabi ko?’
Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ni Elliot. Sobrang daming tumatakbo sa isip ni Avery kaya napabuntong hininga nalang siya.
Siya na si Mrs. Foster ngayon, at wala ng kahit sino ang pwedeng bumully sakanya – sa ngayon.
Pero sa oras na mamatay si Elliot, ano nalang ang gagawin sakanya ng mga Foster? Content © NôvelDrama.Org.
Biglang sumikip ang dibdib ni Avery habang iniisip ang mga posibilidad.
Kailangan niyang sulitin ang pagiging Mrs. Foster para mabawi ang lahat ng mga nawala sakanya habang nabubuhay pa ito!
Lahat ng mga taong umapak sakanya ay sisiguraduhin niyang magbabayad!
……
Eksakto alas-otso ng umaga kinabukasan, sinamahan ni Mrs. Cooper si Avery sa mansyon ng nanay nbi Elliot – si Rosalie Foster.
Ang buong Foster Family as naghihintay kay Avery sa sala, kaya isa-isa niyang binati ang mga ito at binigyan ng tsaa bilang pag’galang.
Masaya si Rosalie sa ugaling pinakita ni Avery – ang isang masunuring bata ay mas madaling kontrolin.
“Kamusta naman ang tulog mo kagabi, Avery?” Nakangiting tanong ni Rosalie.
“Okay naman po.” Nahihiyang sagot ni Avery.
“Kamusta naman si Elliot? Hindi ka naman niya naistorbo no?”
Naalala ni Avery ang napaga gwapo ngunit walang malay na mukha ni Elliot. “Hindi naman siya gumalaw kaya hindi niya ako naistorbo.”
Hindi man gumagalaw si Elliot, pero mainit pa rin ang katawan nito kaya noong malalim na ang tulog niya, hindi niya namalayan na nayakap niya ‘to, na parang unan.
Kaya sobrang nagulat siya noong oras na magising siya sa kalagitnaan ng gabi.
“Siya nga pala.. May regalo ako para sayo, Avery.” Nakangiting sabi ni Rosalie habang binubuksan ang isang gift box na kulay purple. Iniabot niya ito kay Avery at nagpatuloy, Bagay na bagay ang bracelet na ‘to sa skin tone mo. Nagustuhan mo ba?”
Walang intensyon si Avery na ipahiya ang matanda sa harap ng buong pamilya nito kaya agad-agad niyang tinaggap ang binibigay nito at nagpasalamat.
“Opo, nagustuhan ko. Salamat po!”
“Alam kong mahirap ang lahat sa ngayon para sayo, Avery. Sa sitwasyon ni Elliot ngayon, hindi niya magagawang maging asawa sayo. Pero wag kang mag’alala! May naisip akong magandang paraan… Alam naman nating kaunting oras nalang ang natitira kay Elliot, diba? Sobrang naging busy ng anak ko na yun sa pagtatrabaho kaya kahit kailan hindi pa siya nagkaka girlfriend… Ngayong naaksidente siya, nalungkot ako para sakanya na hindi na siya magkakaroon ng anak…”
Biglang natigilan si Avery nang marinig ang sinabi ni Rosalie.
Anak?
‘Tama ba ang pagkakaintindi ko na gusto niyang magkaanak kami ni Elliot?’
“Gusto ko sanang magkaroon si Elliot ng anak para hindi maputol ang lahi namin.”
Hindi nahanda ni Avery at ng lahat ang mga sarili nila sa mga sinabi ni Rosalie, kaya lahat sila ay gulat na gulat.”
“Ma! Ang tagal na ring walang malay ni Elliot, kaya posibleng baka nabaog na siya.” Nag-aalalang sabat ng kuya ni Elliot na si Henry Foster.
Hindi pa patay si Elliot, pero halos lahat ay naka pokus na sa mga iiwanan niya.
Natawa si Rosalie at sumagot, “Ano ka ba! Syempre magpapatulong ako sa mga doktor! Sa sitwasyon ni Elliot ngayon, sayang naman kung hindi siya magkaka anak. Ngayong nandito na si Avery, posibloe na ‘yun. Kahit pa babae ang maging anak nila, walang problema sakin.”
Noong oras na yun, lahat ng tao ay nakatingin lang kay Avery.