Kabanata 9
Kabanata 9
Kabanata 9 Sa huling pagsusuri, wala naman senyales na magkakaroon ng kambal.
Kaya naman hindi makapaniwala si Avery na may dalawang sanggol sa loob tiyan niya makalipas ilan lamang na linggo.
Hawak hawak niya ang ultrasound scan sa kanyang kamay habang tahimik na nakaupo sa isa bangko sa gilid ng corridor ng ospital.
Sinabi sa kanya ng doktor na ang posibilidad na mabuntis ng kambal ay napakababa.
Na kung magpapa-abort siya ngayon, maaari hindi na siya muling magkaroon ng kambal.
Mapait man ay napapataw na lamang si Avery. Ang lahat ng ito ay gawa ng mga pribadong doktor ng Fosters.
Nang maitanim na nila ilagay na sa kaya ang mga isang fertilized egg, hindi nila binanggit na magkakaroon pala siya ng kambal.
Siguro para sa kanila, siya ay walang iba kundi isang kasangkapan sa panganganak para sa mga Fosters mula pa man.
Nang magsimula siyang duguin noong nakaraang linggo, naisip niya na dumating na ang kanyang regla. Nang malaman ito ng mga doktor ng Fosters, naisip nilang nabigo sila. Nang sabihin ni Elliot na hihiwalayan niya siya pagkatapos niyang magising, hindi na siya muling nakita ng mga doktor.
Ang desisyon na manganak o hindi ay nasa balikat na lamang niya.
Nagring ang phone ni Avery sa bag niya. Mahigit isang oras na siyang nasa ospital.
Inilabas niya ang kanyang telepono, tumayo, at naglakad patungo sa labasan ng ospital.
“Avery, naghihingalo na ang tatay mo! Umuwi ka kaagad!”
Ang paos na boses ng kanyang ina ay nanggaling sa kabilang linya.
Natigilan si Avery.
Mamamatay si Tatay? Paano ito nangyari?
Alam niyang naospital ang kanyang ama matapos magkaproblema ang kumpanya nito. Hindi man lang ito nakadalo sa kasal niya.
Hindi niya alam na ganito na pala kalubha ang kalagayan ng kanyang ama. gulong gulo na ang isip ni Avery.
Totoo, hindi siya nagkaroon ng magandang relasyon sa kanyang ama. Hinding-hindi niya ito mapapatawad sa pakikipagrelasyon sa iba.
Gayunpaman, sumakit ang puso niya nang biglang marinig ang balita sa malubha nitong kalagayan.
……
Magulong gulo ang sala ng kanilang bahay nang dumating si Avery.
Dinala siya ni Laura sa master bedroom.
Nakahiga ang tatay niya sa kama. Hinahabol niya ang kanyang paghinga at halos dilat ang kanyang mga mata. Nang makita niya si Avery, itinaas niya ang braso sa direksyon niya.
“Dad, bakit hindi ka pumunta sa ospital kung ganito na pala ang sakit mo?” Sabi ni Avery habang hawak ang malamig na kamay ng ama. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
“Ang dali mo namang sabihin! Saan tayo kukuha ng pera para madala ang tatay mo sa ospital?” Bangit ni Wanda.
Umangat ang ulo ni Avery habang sinasabi, “Hindi ka ba nakakuha ng malaking halaga mula sa Fosters? Bakit hindi mo ginamit iyon para tulungan si Tatay?”
Unusod ang nguso ni Wanda at sinabing, “Ginamit namin ang perang iyon para pambayad sa mga utang! Alam mo ba kung magkano ang utang ng kumpanya ng tatay mo? Huwag mo akong tignan na parang kinain ko ang pera mo, Avery! Tsaka hindi na gagaling ang tatay mo! Mabuti nang namatay siya!”
Matapos niyang sabihin lahat ng malulupit na salita, walang pusong lumabas ng silid si Wanda.
Hindi umalis si Avery at sinamahan niya ang kanyang ama.
Sa huli, si ama niya pa rin ito. Noon pa man ay mahal na niya ito, at ayaw niyang mawala ang kanyang ama.
“Huwag kang magalit sa kanya, Tatay. Hindi naman sa ayaw ka niyang ipagamot, pero wala talagang pera ang pamilya,” sabi ni Avery habang nakatayong umiiyak sa tabi ng kama. “Dad, sana malampasan mo ito…”
Hindi narinig ni Jack ang sinabi ni Avery.
Sa halip, tumingin ito sa kanya na puno ng luha ang mga mata. Nanginig ang kanyang mga labi at mahina ang boses habang sinasabi, “Avery… My darling… Nabigo kita… Nabigo ko ang mama mo… Babawi ako sa susunod na buhay…” NôvelDrama.Org owns © this.
Biglang bumitaw ng kamay ng kanyang ama na sa pagkakahawak sa kanya.
Isang matinis na sigaw ang bumalot sa loob ng bahay.
Kumalabog sa sakit ang puso ni Avery.
Sa magdamag, ang kanyang mundo ay sumailalim sa isang makabagbag-damdaming pagbabago.
Siya ay may asawa at buntis, at ang kanyang ama ay wala na.
Inakala niya na siya ay isang bata pa lamang, ngunit ang buhay ay inalis sa kanya at itinulak siya sa isang malungkot at walang pag-asa sitwasyon.
Ang araw ng libing ay isang madilim at maulan.
Walang gaanong mga tao ang dumalo sa libing, hindi mula nang bumagsak ang mga Tates.
Pagkatapos ng libing, pumunta si Wanda sa isang hotel kasama ang mga bisita.
Ang mga tao ay nakakalat na parang isang kawan ng mga ligaw na ibon.
Hindi nagtagal, si Avery at Laura na lang ang naiwan sa sementeryo.
Ang kanilang kalooban ay kasing dilim ng kulay abong kalangitan.
“Nandidiri ka ba kay Tatay, Nay?” Tanong ni Avery habang nakatitig sa lapida ng kanyang ama sa habang may luhang sa kanyang mga mata.
Ibinaba ni Laura ang kanyang tingin at sinabi sa mahinang boses, “Oo. Kahit patay na siya, hinding- hindi ko siya mapapatawad.”
Hindi maintindihan ni Avery.
“Kung ganoon, bakit ka umiiyak?” tanong niya.
“Dahil mahal ko siya,” bumuntong-hininga si Laura. “Masalimuot ang mga relasyon, Avery. Hindi lang ito tungkol sa pag-ibig o pagkamuhi. Dahil ang isang relasyon ay maaring mabuo sa gitna ng pag-ibig at galit.”
Noong gabing iyon, bitbit ni Avery ang kanyang pagod na katawan pabalik sa mansyon ni Elliot.
Mula sa araw ng pagkamatay ni ng tatay niya hanggang sa katapusan ng libing, ay tumagal ng tatlong araw.
Hindi man lang siya bumalik sa mansyon sa loob ng tatlong araw.
Walang sinuman mula sa pamilyang Foster ang nakipag-ugnayan sa kanya.
Hindi niya sinabi kahit kanino sa Foster house ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.
Ang relasyon kay Elliot ay mas malamig kaysa sa yelo at mas malamig kaysa sa niyebe.
Pagpasok ni Avery sa looban, napansin niyang nakasindi ang mga ilaw ng mansyon, at napuno ng mga bisita ang sala.
Ang lahat ay nakabihis ng pang-siyam at masayang nag-uusap na may mga baso ng alak sa kanilang mga kamay.
Napahinto si Avery sa kanyang paglalakad.
“Madam!” Napansin siya ni Mrs. Cooper at nagmamadaling lumapit.
Marahil ito ay dahil ang malamig at nakakaawang ekspresyon ni Avery ay lubos na kabaligtaran sa kasiglahan ng sala, ngunit ang ngiti sa mukha ni Mrs. Cooper unti unti napalitan ng pagkabahala.
“Umuulan sa labas. Pumasok ka na!” Sabi ni Mrs Cooper sabay hawak sa braso ni Avery at hinila papunta sa sala.
Si Avery ay nakasuot ng itim na trench coat habang ang kanyang payat at patas na mga binti na sumisilip mula sa ilalim ng laylayan. Sa kanyang mga paa ay isang pares ng itim, mababang takong na leather na sapatos.
Malamig ang kanyang aura, na iba sa kanyang karaniwang kilos.
Dinalhan siya ni Mrs. Cooper ng isang pares ng pink at magarang tsinelas sa bahay.
Nagpalit ng tsinelas si Avery at hindi sinasadyang napasulyap sa sala.
Ang mga bisita ni Elliot ay sinusuri siya ng mabuti na tila siya ay isang hayop na ngaling sa zoo.
Mapanghusga at walang galang ang kanilang mga mata.
Ginamit ni Avery ang parehong tingin upang tingnan si Elliot, na nakaupo sa gitna ng sopa.
May hawak siyang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, at napapalibutan siya ng usok. Sa gitna ng usok, ang malamig niyang mukha ay parang isang malagim na panaginip.
Dahilan ng tingin niya sa kanya ay dahil sa babaeng nakaupo sa tabi niya.
Ang babae ay may magandang itsura at ng mahaba at itim na buhok. Nakasuot siya ng puting damit na nakayakap sa kanyang braso na may napakagandang makeup. Kung titignan, napakaganda niya at ito ay nangingibabaw.
Ang dibdib nito ay halos nakadikit kay Elliot habang hawak niya ang isang sigarilyo gamit ng kanyang mga daliri.
Halata namang ordinaryo lang ang relasyon ng babaeng ito kay Elliot.
Ilang segundo matapos ang tingin ni Avery sa babae ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito.
“Ikaw si Avery Tate, tama?” sabi ng babae habang tumayo sa sopa at mapanuksong naglakad papunta kay Avery. “Nabalitaan ko na ikaw ang asawang pinili ni Madam Rosalie para kay Elliot. Maganda ang panlasa niya. Medyo maganda ka, maliit lang… Oh, hindi ko sinasadya ang iyong edad. Ang tinutukoy ko ay ang katawan mo…”
Dugtong naman ni Avery, “Maganda ka, at sexy. Lahat ng bagay tungkol sa iyo ay mas maganda kumpara sakin… So, kailan ka papakasalan ni Elliot?”
Ang kanyang walang pakialam na tono ay nagdulot sa babae ng inis at galit.
“Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Alam mo ba kung gaano ako katagal sa tabi ni Elliot? Kahit asawa ka niya, kung sasampalin kita sa mukha ngayon, wala iyang pakialam sayo!”
Nang matapos magsalita ang babae ay itinaas niya ang kanyang braso.
Narinig ang tunog ng pagkabasag ng salamin.
Kinuha ni Avery ang isang mamahaling bote ng alak at binasag ito sa coffee table!
Ang alak ay tumalsik at tumulo sa gilid ng mesa, habang patuloy itong tumutulo sa ilalim ng carpet.
Namumula ang mata ni Avery sa galit habang mahigpit na hawak ang basag na wine bote, itinutok niya ito sa arroganteng babae.
“Gusto mo akong away? Tara! Pagsinpal mo ako, papatayin kita!” sigaw niya habang papalapit sa babaeng may basag na bote.
Lahat ng tao sa kwarto ay natulala.
Sinasabi na ang panganay na anak na babae ng pamilya Tate ay isang mababang-profile na introvert, ngunit ito ay naging… Siya ay baliw!
Matang lawin ang tingin ni Elliot habang humihipak ng nagsisigarilo.
Ang kanyang nag-aapoy na tingin ay nakatuon sa hirap na hirap at walang awa na mababakas sa mukha ni Avery.